Swimming Pool

Refreshing serene pool waters.

Skylounge

Relax while staring on Mandaluyong's skyline.

Podium

Invite your friends and cousins to join you in a picnic.

Observatory

The darkness of the night will reveal amazing sky illumination.

Basketball Court

Whether you want to make your body fit or just to have a good time with your friends, this basketball court is perfect for you.

Monday, September 12, 2011

Witness The Beauty Of Mandaluyong And The Marvelous Service Of Apartment For Rent


Manduyong Apartment for Rent

Kung nais mong mag liwaliw at magshopping alam muna na ang lugar kung saan matatagpuan mo ang maraming signature shopping malls. Ito lang naman ang lungsod na tinaguriang “Shopping Mall Capital of the Phillipines” ngayon sigurado ako na alam muna ang lugar na tinutukoy ko, pero kung bago pa lang ito sa iyong pandinig, hayaan mong isasalaysay ko ang napakangandang lugar na ito. Ang lungsod ng Mandaluyong ay sikat at binansagang shopping capital ng ating bansa dahil sa mga bigating shopping center hindi lamang iyon dito din matatagpuan ang malaking kompanya na gumagawa ng mga inumin nariyan na ang nag iisang San Miguel corporation, maging sa larangan ng medisina ay mayroong himpilan sa lugar na ito. In other words, it is very urbanized city in the heart of Metro Manila.

Bukod sa mga malls, bukod tangi rin dito ang mga hotels tulad na lang halimbawa ng Shangri-La at mga resorts ngunit ito ay nangangahulugang malaking gastos dahil sa mga pasilidad at eleganteng mga gamit. Kung nais niyo naming maranasan ang manirahan sa mga simple pero hindi pahuhuli sa dekalidad na serbisyo sa aspeto ng pagkalinga at akomodasyon narito ang mga apartment for rent na siguradong swak sa panlasa lalo na sa inyong mga bulsa. Marahil kayo ay may bulong-bulungan sa inyong mga sarili kong bakit sa kabila ng malaking pagkakaiba ng mga hotels sa mga apartments ay nasabi pa rin na sila ay may dekalidad na serbisyo. Oo nga’t maganda at talagang mamahalin ang mga gamit sa mga hotels dahil na rin sa kadahilanang akitin ang mga turista upang doon magpahinga at mag relax. Ngunit ang apartment for rent ay sinasabing para sa masa kung saan ang mga tao na nais masilayan ang ganda ng isang lungsod at doon na pansamantala manirahan ay laging handang tumugon ang mga upahang-bahay. Nais lamang nito ipadama sa mga tao ang simpleng paraan ng pamumuhay sa isang modernong lungsod. Marami sa mga apartment ang simple ang set-up o yung pagakakatalaga ng mga gamit, ngunit meron ding mga apartment na talaga naming mamangha ka sa ganda, ang nais kong ipahiwatig ay para kang nasa hotel sa ganda ng mga gamit. Ang mga eleganteng gusali ay itinayo hindi lamang magsilbing sagisag ng isang maunlad na lugar, buhat nito ang pagbibigay ng kaukulang serbisyo sa mga tao lalo na sa mga bumibisita.
Living Room | Mandaluyong Condo

Tuesday, August 23, 2011

Mandaluyong City: A City Like No Other


Gusto mo bang magrelax at maentertain? Halina at magtungo sa Mandaluyong City, ang tinaguriang Shopping Capital of the Philippines, Metro Manila’s heart at Tiger City of the Philippines.

Mandaluyong City | Apartment for Rent
Paano naman kapag mga lugar na nagbibigay interes at  atraksyon ang hanap mo? Mayroon silang religious structures, monumento at memorials, government institutions at mga modernong commercial centers. Ang Ortigas Center ay tinaguriang sentro ng business at commerce at kilala rin bilang isa sa mga pinakapopular na atraksyon sa Mandaluyong. Naglalakihang international institutions at multinational companies, de luxe hotels at modernong malls ang matatagpuan at ang mga sumusunod ay ang main headquarters ng Asian Development Bank; San Miguel Corporation, St. Francis Towers; EDSA Shangri-La Manila; SM Megamall, na kilala na isa sa mga pinakamalaking malls sa Asya; Shangri-la Plaza; EDSA Central at Star Mall. Isa rin sa mga atraksyon ang Mandaluyong City Hall Complex na kung saan matatagpuan ang City Hall, ang park na kung saan pwedeng magrelax ang mga mamamayan, iba’t-ibang monumento na handog sa mga bayaning Pilipino, museo at convention hall.

St. Francis Towers
Pagdating naman sa mga naggagandahang mga condomonium, kanilang ipinakikila ang Dansalan Garden Condominium na binubuo ng Paloverde  (31-palapag), Sycamore (31-palapag), at Willow towers  (18-palapag). Ang tatlong tirahan ng mga gusali ay espesyal na isinaayos upang i-maximize ang 8,000 sqm. na ari-arian. Ang kanilang yunit features ay may one-bedroom, two-bedroom, or three-bedroom unit na may presyong bagay sa iyo. Kaya ano pang hinihintay mo? Mamili ka na. Saan kaya matatagpuan ang ang nasabing Condo? Makikita ang Dansalan Garden sa  kanto ng Boni Avenue at M. Vicentre Street sa Barangay Malamig, Mandaluyong City. Ang isa pang kagandahan nito ay malapit ka sa mahahalagang negosyo, komersyal, establishimentong pang-edukasyon at isa pa, tiyak na ikaw ay mag-eenjoy sa kagandahan ng view sa Makati, Manila at Ortigas skylines. Paano ka naman makakapunta doon galing sa EDSA Makati? Una, kailangan mong diretsuhin ang daan at kumanan ka sa Madison Street pagkatapos ng Robinsons Pioneer at dumaan ka sa isang tunnel patungo sa Boni Avenue. Pagkatapos sa Tunnel,  kumanan ka sa Vicente Street na dating Dansalan at hindi magtatagal ay makikita mo rin ang main gate ng Dansalan Gardens na nasa kaliwang bahagi. Kung magmumula ka naman sa Edsa Ortigas, ikaw ay kumanan sa Boni Avenue malapit sa Boni MRT Station. Pagkatapos ay dumiretso ka at kumanan sa Vicente Street na dating Dansalan at hindi magtatagal ay makikita mo rin ang main gate ng Dansalan Gardens mula sa kaliwa. Isa pang inyong maaring piliin ang Tivoli Garden Residences. Malapit ito sa Makati- Mandaluyong Bridge na naipatayo sa 2.7 ektaryang lupa at may yunit features na may halo ng studio, 2-bedroom, 3-bedroom at tandem yunits. Ano pang hinihintay mo? Mamili na kayo at nang maranasan ang ganda ng condo. Kung gusto mo naming magrelax, mayroon din silang handog na amenities na talaga namang eenjoyin mo at ng iyong pamilya. Mayroon silang kiddie pool, leisure park, sky lounge at kung mahilig kang magbasketball, mayroon silang Basketball court at marami pang iba.

Tunay ngang maganda ang manirahan sa lungsod ng Mandaluyong. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ibang condominium at apartment for rent, huwag mag-atubiling magsearch sa internet. 

Sunday, August 21, 2011

Be Informed About the City of Mandaluyong


Dahil pamilyar na tayo sa mga taguri sa lungsod ng Mandaluyong bilang Metro Manila’s Heart, Tiger City of the Philippines at Shopping Mall Capital of the Philippines, amin naman kayong bubusugin ng sari-sari pang kaalaman patungkol sa nasabing lungsod.

Shaw Boulevard | Apartment for Rent in Mandaluyong
         

Tuesday, August 16, 2011

Attention!

Hello, I just posted a new article about Apartment for Rent in Mandaluyong.




Tuesday, July 26, 2011

Apartment for rent in Mandaluyong

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More