Quality Condominium and Apartment for Rent in Mandaluyong

Kay gandang isipin na ang Diyos ay nagkaloob sa bawat isa ng kagalingan at kahusayan sa sining at maging ang katalinuhan sa iba’t ibang larangan. Kaya dapat nating ipagpasalamat sa Diyos na tayo ay biniyayaan ng iba’t ibang talento at abilidad.
Apartment for Rent in Mandaluyong | Asian Development Bank (ADB)
Isa sa mga patunay ng kagalingan ng mga tao ay makikita sa mga magagandang mga gusali at tirahan na nakakapukaw ng atensyon, mga pinakabagong produkto ng agham na mas nakapagpapadali sa ating mga gawain at mas tayo ay nag-eenjoy, malikhaing mga pananaw na tumutulong upang mas maging maging maayos at mabigyang solusyon ang isang problema at iba pa. Subalit hindi natin bibigyang paliwanag ang lahat ng mga nabanggit bagkus ay bibigyan natin ng pokus ang mga magagandang gusali na tulad ng condominium at mga tirahan na tulad ng apartment.
Apartment for Rent in Mandaluyong | Tivoli Garden Residences
Saan nga ba matatagpuan ang mga kilalang mga condominium at mga apartment for rent in Mandaluyong? Ang isang halimbawa ng sikat na condominium ay ang Tivoli Garden Residences na nakatayo sa lokasyon na malapit sa mga business na establishimento. Matatagpuan yaon sa Coronado St., malapit sa Makati- Mandaluyong Bridge, Business Districts ng Makati at Ortigas kaya hindi  na gaano ang iyong problema sa biyahe sapagkat ilang minuto lang ang kailangan para makarating ka sa iyong pinagtatrabahuan. Paano ka kaya makakapunta doon? Pwede mong subukan ang ruta ng EDSA North Bound at dumaan ka sa kaliwang bahagi patungo sa Rockwell. Pagkatapos ikaw ay dumiretso at lumiko pakaliwa sa J.P. Rizal Avenue. Kapg iyong naabot ang intersection, kumanan ka sa Makati Avenue at dumeretso ka patungong Makati- Mandaluyong Bridge. Ang susunod naman, ikaw ay kumanan sa Coronado Street at pagkatapos ng ilang metro ay makikita mo na rin ang Tivoli Garden Residences. Pwede rin naman  sa pamamagitan ng ruta ng Ayala. Una, deretsuhin mo lang ang Makati Avenue patungong Makati Mandaluyong Bridge. Pagkatapos, ikaw ay kumanan sa Coronado Street at pagkatapos lamang ng ilang metro, makikita mo na rin ang Tivoli Garden Residences sa iyong kanan. Nasa sa iyo ang desisyon kung saang daan ang gusto mong tahakin.
Dansalan Gardens | Apartment for Rent in Mandaluyong
Ang isa na naming halimbawa ng sikat na condominium ay ang Dansalan Garden. Bakit kaya ito itinuturing na isa sa mga pinakamagagandang condominium sa Mandaluyong? Ito ay binubuo ng mga toreng Paloverde (31-storey), Sycamore (31-storey) at Willow (18-storey). Ang tatlong gusaling iyon ay espesyal na isinaayos para sa 8,000 sqm na ari-arian. Bawat yunit ay may nakagigilalas at pribadong sulyap sa lungsod. Ngayon naman, aming ipakikilala sa iyo ang iba’t ibang mga apartment for rent. Mayroong 2 BR Apartment na matatagpuan sa San Ignacio Street, Mandaluyong City. May 2 kuwarto at isang banyo at may total floor area na 60 sqm na kung saan limang tao ang maximum. Ito pa, malapit lamang yaon sa Shaw Boulevard, Makati at Pasig area. Kung ikaw naman ay malapit sa EDSA, mayroong matatagpuan sa 291 Dansalan Street, Mandaluyong City na may studio at 1 bedroom yunit. Ang ikatlo namang mapagpipilian mo kaibigan ay ang apartment sa San Rafael Street, Mandaluyong City. May 2 kuwarto at 1 banyo iyon.
Para sa iba pang mga condominium at apartment, magsearch ka lang sa internet. Ano pang hinihintay mo? Pili na! 

Other page/s:


Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More