Tuesday, August 23, 2011

Mandaluyong City: A City Like No Other


Gusto mo bang magrelax at maentertain? Halina at magtungo sa Mandaluyong City, ang tinaguriang Shopping Capital of the Philippines, Metro Manila’s heart at Tiger City of the Philippines.

Mandaluyong City | Apartment for Rent
Paano naman kapag mga lugar na nagbibigay interes at  atraksyon ang hanap mo? Mayroon silang religious structures, monumento at memorials, government institutions at mga modernong commercial centers. Ang Ortigas Center ay tinaguriang sentro ng business at commerce at kilala rin bilang isa sa mga pinakapopular na atraksyon sa Mandaluyong. Naglalakihang international institutions at multinational companies, de luxe hotels at modernong malls ang matatagpuan at ang mga sumusunod ay ang main headquarters ng Asian Development Bank; San Miguel Corporation, St. Francis Towers; EDSA Shangri-La Manila; SM Megamall, na kilala na isa sa mga pinakamalaking malls sa Asya; Shangri-la Plaza; EDSA Central at Star Mall. Isa rin sa mga atraksyon ang Mandaluyong City Hall Complex na kung saan matatagpuan ang City Hall, ang park na kung saan pwedeng magrelax ang mga mamamayan, iba’t-ibang monumento na handog sa mga bayaning Pilipino, museo at convention hall.

St. Francis Towers
Pagdating naman sa mga naggagandahang mga condomonium, kanilang ipinakikila ang Dansalan Garden Condominium na binubuo ng Paloverde  (31-palapag), Sycamore (31-palapag), at Willow towers  (18-palapag). Ang tatlong tirahan ng mga gusali ay espesyal na isinaayos upang i-maximize ang 8,000 sqm. na ari-arian. Ang kanilang yunit features ay may one-bedroom, two-bedroom, or three-bedroom unit na may presyong bagay sa iyo. Kaya ano pang hinihintay mo? Mamili ka na. Saan kaya matatagpuan ang ang nasabing Condo? Makikita ang Dansalan Garden sa  kanto ng Boni Avenue at M. Vicentre Street sa Barangay Malamig, Mandaluyong City. Ang isa pang kagandahan nito ay malapit ka sa mahahalagang negosyo, komersyal, establishimentong pang-edukasyon at isa pa, tiyak na ikaw ay mag-eenjoy sa kagandahan ng view sa Makati, Manila at Ortigas skylines. Paano ka naman makakapunta doon galing sa EDSA Makati? Una, kailangan mong diretsuhin ang daan at kumanan ka sa Madison Street pagkatapos ng Robinsons Pioneer at dumaan ka sa isang tunnel patungo sa Boni Avenue. Pagkatapos sa Tunnel,  kumanan ka sa Vicente Street na dating Dansalan at hindi magtatagal ay makikita mo rin ang main gate ng Dansalan Gardens na nasa kaliwang bahagi. Kung magmumula ka naman sa Edsa Ortigas, ikaw ay kumanan sa Boni Avenue malapit sa Boni MRT Station. Pagkatapos ay dumiretso ka at kumanan sa Vicente Street na dating Dansalan at hindi magtatagal ay makikita mo rin ang main gate ng Dansalan Gardens mula sa kaliwa. Isa pang inyong maaring piliin ang Tivoli Garden Residences. Malapit ito sa Makati- Mandaluyong Bridge na naipatayo sa 2.7 ektaryang lupa at may yunit features na may halo ng studio, 2-bedroom, 3-bedroom at tandem yunits. Ano pang hinihintay mo? Mamili na kayo at nang maranasan ang ganda ng condo. Kung gusto mo naming magrelax, mayroon din silang handog na amenities na talaga namang eenjoyin mo at ng iyong pamilya. Mayroon silang kiddie pool, leisure park, sky lounge at kung mahilig kang magbasketball, mayroon silang Basketball court at marami pang iba.

Tunay ngang maganda ang manirahan sa lungsod ng Mandaluyong. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ibang condominium at apartment for rent, huwag mag-atubiling magsearch sa internet. 

1 comments:

This article well describes the facilities and amenities of the condos in Mandaluyong. I think it would be a good idea to check out condos and see it for myself. They also offer relaxation that will remove stress from long and hard days at work.

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More