Sunday, August 21, 2011

Be Informed About the City of Mandaluyong


Dahil pamilyar na tayo sa mga taguri sa lungsod ng Mandaluyong bilang Metro Manila’s Heart, Tiger City of the Philippines at Shopping Mall Capital of the Philippines, amin naman kayong bubusugin ng sari-sari pang kaalaman patungkol sa nasabing lungsod.

Shaw Boulevard | Apartment for Rent in Mandaluyong
         
 Ang Mandaluyong City ay naging maunlad bago pa man noong dekada ochenta at naitaguyod na nila ang kanilang pagiging isa sa pinakamaunlad na sentro ng ekonomiya sa buong Pilipinas. Sa mga karaniwang lungsod ng Metropolitan, ang Mandaluyong ay may sariling bahagi sa mga commercial strips at sa Central Business District. Ang nasabi ay binubuo karamihan ng mga bangko, offices at services establishments na nakatayo sa mga pampublikong ruta ng transportasyon na nagsisilbi sa mga lokal na mamimili at maging ang naninirahan sa kalapit na syudad. Ang mga nangungunang commercial strips ay ang kahabaan ng Boni Avenue, Shaw Boulevard, Libertad- Sierra Madre area, Kalentong, San Francisco, part of Martinez, Sgt. Bumatay patungo sa Baarngka Drive at Pinatubo patungo sa EDSA. Ang Central Business District naman ng lungsod ay nasa silangang bahagi ng lungsod ay nasa silangang bahagi na nakatuon sa EDSA-Shaw-Pioneer Quadrangle. Pag dating naman sa gawaing pang-industriya, nakatuon pa rin sila sa EDSA-Shaw-Pioneer area. Bagaman kilala ang lungsod pagdating sa manufacture of goods, gamot at kagamitang pang-laboratoryo, ang industriya ng mga ito ay bumababa sa bilang at nagbabalak bumuo ng mga panibagong aktibidadad na pang-industriya sa labas ng Metropolitan Manila. Sa lokasyon naman ng Pasig River, partikular na ang mga barangay Namayan at Mabini J. Rizal, ang mga dating lugar ng industriya ay naging lugar na ng residential subdivisions at townhouses.

Bonifacio Avenue | Apartment for Rent in Mandaluyong
Kapag dating naman sa mga naglalakihang negosyo sa Mandaluyong, maituturing silang mahusay kaya hindi nakapagtataka na talagang maunlad ang syudad.  Upang mas mapanatiling maayos, mahusay, mas marami ang makinabang ng benepisyo, at maiayos ang transaksyon ng mga negosyo sa permit, buwis at clearances, nagpatupad ang pamahalaan ng pangunahing legislations: Revenue Code Ordinance, Ordinances in License Plates/Stickers, CGL Insurance Regulations & Restrictions in Amusement at Fun Establishments Zoning Ordinance. Sa pamamagitan ng mga sumusunod na legislations ay siguradong mas mapapanatili ang magagandang mga negosyo. Alam din nating lahat na ang edukasyon ay tunay na mahalaga kaya naman dumako na tayo ngayon sa sektor ng edukasyon. Mayroong dalawampu’t pitong pribadong paaralan sa lungsod na kayang tumulong sa mga lokal ng mga estudyante at yaong galing pa sa mga kalapit na syudad. Ang mga kilalang mga pribadong paaralan ay ang La Salle Greenhills at ang dalawang Unibersidad, Jose Rizal University at Rizal Technological University at ang mga iba naman ay semi-government na mga institusyon. Meron din namang iba’t ibang mga computer schools na nag-aalok ng short-term at complete computer courses at college degrees. Mayroon ding ilang mga vocational at technological na mga eskwelahan na naghahandog ng mga programa sa kalakalan at industriya, home- making at business at commerce. Ang Public education facilities naman ay binubuo ng labing anim (16) na paaralang pang-elementarya at para sa karagdagan, ang Andres Bonifacio Integrated School na nag-umpisa noong SY 2002-2003 ay mayroon nang limang (5) na paaralang pang-sekondarya para sa mga resident eng Mandaluyong.
Andres Bonifacio Integrated School | Apartment for Rent in Mandaluyong
Kung nais mo pang malaman ang iba pang mga impormasyon patungkol sa sikat na lungsod ng Mandaluyong at ikaw ay naman ay may internet connection sa iyong computer, huwag mag-atubiling maghanap. Kapag ang nais mong malaman ang patungkol sa mga tirahan, tiyak na maraming mga apartment for rent at condominium ang mapagpipilian. 

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More