Gusto mo bang magrelax at maentertain?
Halina at magtungo sa Mandaluyong City, ang tinaguriang Shopping Capital of the
Philippines, Metro Manila’s heart at Tiger City of the Philippines.
Mandaluyong City | Apartment for Rent |
Paano naman kapag mga
lugar na nagbibigay interes at atraksyon
ang hanap mo? Mayroon silang religious structures, monumento at memorials,
government institutions at mga modernong commercial centers. Ang Ortigas Center
ay tinaguriang sentro ng business at commerce at kilala rin bilang isa sa mga
pinakapopular na atraksyon sa Mandaluyong.
Naglalakihang international institutions at multinational companies, de luxe
hotels at modernong malls ang matatagpuan at ang mga sumusunod ay ang main
headquarters ng Asian Development Bank; San Miguel Corporation, St. Francis
Towers; EDSA Shangri-La Manila; SM Megamall, na kilala na isa sa mga
pinakamalaking malls sa Asya; Shangri-la Plaza; EDSA Central at Star Mall. Isa
rin sa mga atraksyon ang Mandaluyong City Hall Complex na kung saan matatagpuan
ang City Hall, ang park na kung saan pwedeng magrelax ang mga mamamayan,
iba’t-ibang monumento na handog sa mga bayaning Pilipino, museo at convention
hall.
St. Francis Towers |
Pagdating naman sa
mga naggagandahang mga condomonium, kanilang ipinakikila ang Dansalan Garden Condominium na binubuo ng Paloverde
(31-palapag), Sycamore (31-palapag), at Willow towers
(18-palapag). Ang tatlong tirahan ng mga gusali ay
espesyal na isinaayos upang i-maximize ang 8,000 sqm. na ari-arian. Ang kanilang yunit features ay may one-bedroom, two-bedroom, or three-bedroom unit na
may presyong bagay sa iyo. Kaya ano pang hinihintay mo? Mamili ka
na. Saan kaya matatagpuan ang ang nasabing Condo? Makikita ang Dansalan Garden
sa kanto ng Boni Avenue at M. Vicentre
Street sa Barangay Malamig, Mandaluyong City. Ang isa pang kagandahan nito ay
malapit ka sa mahahalagang negosyo, komersyal, establishimentong pang-edukasyon
at isa pa, tiyak na ikaw ay mag-eenjoy sa kagandahan ng view sa Makati, Manila
at Ortigas skylines. Paano ka naman makakapunta doon galing sa EDSA Makati?
Una, kailangan mong diretsuhin ang daan at kumanan ka sa Madison Street
pagkatapos ng Robinsons Pioneer at dumaan ka sa isang tunnel patungo sa Boni
Avenue. Pagkatapos sa Tunnel, kumanan ka
sa Vicente Street na dating Dansalan at hindi magtatagal ay makikita mo rin ang
main gate ng Dansalan Gardens na nasa kaliwang bahagi. Kung magmumula ka naman
sa Edsa Ortigas, ikaw ay kumanan sa Boni Avenue malapit sa Boni MRT Station.
Pagkatapos ay dumiretso ka at kumanan sa Vicente Street na dating Dansalan at
hindi magtatagal ay makikita mo rin ang main gate ng Dansalan Gardens mula sa
kaliwa. Isa pang inyong maaring piliin ang Tivoli Garden Residences. Malapit
ito sa Makati- Mandaluyong Bridge na naipatayo sa 2.7 ektaryang lupa at may
yunit features na may halo ng studio, 2-bedroom, 3-bedroom at tandem yunits.
Ano pang hinihintay mo? Mamili na kayo at nang maranasan ang ganda ng condo.
Kung gusto mo naming magrelax, mayroon din silang handog na amenities na talaga
namang eenjoyin mo at ng iyong pamilya. Mayroon silang kiddie pool, leisure
park, sky lounge at kung mahilig kang magbasketball, mayroon silang Basketball
court at marami pang iba.
Tunay ngang maganda ang manirahan
sa lungsod ng Mandaluyong. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ibang condominium
at apartment for rent, huwag
mag-atubiling magsearch sa internet.